4

By ,

Danny Ching uminit sa 3rd, finals inupuan ng FCVBA

Sharing is caring!

Umalagwa si dating Grace Christian High School star Danny Ching sa ikatlong quarter para balikatin ang Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) sa finals ng 60-and-above division nang padapain nito ang host team, 72-63, sa 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament nitong Huwebes sa Prince Songkla University Gym.

Pinangunahan ng 5-foot-10 na si Ching ang lahat ng FCVBA scorers na may 15 puntos ito kabilang na kanyang buzzer-beater sa halftime na talaga namang nagpabago ng laro.

Bukod kay Ching, naging malaking bahagi rin na panalo 60s sina Aries Franco at Elmer Latonio na dinomina ang host sa sumunod na quarter, 25-11 para masikwat ang kalamangan 60-47 sa pagpasok sa fourth canto ng laro.

Nanguna sa fourth canto si Franco na pumoste ng 13 puntos habang may pinagsamang 11 puntos sina Reyes at Latonio para itala sa tropa ang kanilang four-game winning streak.

Walong puntos lang ang nagawa ni dating La Salle star Kenneth Yap pero nangako itong babawi sa winner-take-all match nito kontra Pontianac ng Indonesia sa Biyernes.

Samantala, hindi naman nakalusot ang 65s nang talunin sila ng Sarawak ng Malaysia, 40-38.

“It was a tough loss but I’m still happy our 60s made it to the final,” saad ni Ironcon Builders’ Jimi Lim.

Nawalan ng pagkakataon ang 65s na maksikwat ng three-peat matapos hindi ito maka-score sa huling apat na minuto ng laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?