80

Jan 20, 2021 @ 15:25
By

Danita ‘di nagmamadaling magpakasal

Ayos lang kay Danita Paner na nagsisikasalan at nagkakaanak na ang mga dati niyang dyowa.

Hindi naman aniya siya nagmamadaling lumagay sa tahimik.

“Ha? Has it been that long?” tanong ng “Paano ang Pangako?” kontrabida, sa isang ulat, nang masabihan na may anak na ang ilan sa kanyang mga ex-boyfriend na sina Kean Cipriano at JC De Vera.

“It’s okay. I’m not in a hurry,” aniya pa.

Nang tanungin naman kung may significant other ba siya sa ngayon, sagot ng 31-anyos na aktres-singer:

“I have none, peksman!”

Tuwing pumapasok kasi aniya siya sa relasyon ay nawawala siya sa kanyang sarili.

“My whole life, I’ve been surrounded by people with different energies, so I get lost. But I have found myself, at last!” lahad ng “Lunod” hitmaker.

“I think I have become a better version of myself,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?