99

Jun 28, 2019 @ 15:34
By

Daniels impake: Simpson balik-Alaska

Muling sasandig ang Alaska Aces kay Diamon Simpson, ang import nila noong nagkampeon sa Fiesta Conference noong 2010.

Ayon sa report ng Spin.ph, papauwiin na ng Alaska si Chris Daniels, sumalang ng anim na laro, pinalitan muna ni Niño Johnson sa kalagitnaan ng conference.

Nag-average si Daniels ng 20.1 points, 12.3 rebounds at 2.0 blocks, ngunit sa huling dalawang laro ay bigong maibigay ang panalo sa Aces.

Posibleng sumalang na si Simpson sa laro kontra Ginebra sa Linggo, balik PBA matapos maabot ang semifinals noong nakaraang taon bago natalo sa SMB, 3-1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?