2,306

Nov 19, 2021 @ 20:56
By

Daniel sa ‘sex case’ ni Quiboloy: Isa-isa ng tinatawag ni Satanas

Matapang ang naging komento ni Daniel Padilla tungkol sa sex trafficking case na isinampa ng ilang US prosecutor laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Hindi nga nakapagtimpi ang Kapamilya actor at nakapagkomento sa Instagram post tungkol dito ng ABS-CBN kung saan mababasa ang headline na “Apollo Quiboloy accused of having sex with minors.”

Sa comment section nito, tahasang sinabi ni Daniel na: “Isa isa ng tinatawag ni Satanas.”

Si Quiboloy ay kaibigan at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?