87

Aug 29, 2018 @ 15:06
By

Daniel ramdam ang ‘sepanx’ kay Kathryn

Ngayong magkakahiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang proyekto, hindi maikaila ni DJ na matinding separation anxiety ang nararamdaman nila.

“Siyempre sad din siya at the same time. Dahil sa pinagsamahan. Hindi lang siya normal na sepanx (separation anxiety), it’s almost eight years na everyday nagwo-work, then now different na,” ani Daniel sa interbyu sa ‘Magandang Buhay’ nitong Miyerkoles.

Kahit mawawalay si DJ sa piling ni Kathryn, masaya pa rin ang huli sa bagong experience na makatrabaho ang mga beteranong sina ‘Mega Star’ Sharon Cuneta at Richard Gomez.

“Masaya ako na ‘yung ibinigay na next project sa akin ay ‘yung kay Ms. Sharon and Tito Richard. Hindi ko in-expect na ibibigay sa akin ‘yung project na ‘yon. And si Direk Cathy (Garcia-Molina) pa ‘yung gagawa. So, masaya ako na kahit ‘yung first ko na wala si DJ, kilala ko na ‘yung mga tao kahit papaano, especially si Direk Cathy,” ani Kathryn.

Ngayong buwag muna ang loveteam nilang KathNiel, ano kaya ang say nila sa panibagong challenge?

“Part siya ng growth sa pagiging mga actor, individuality namin ni Kathryn as actors. May parte rin na kailangan naming matuto and tumayo sa mga paa namin. I mean nag-grow naman kami na magkasama. Ito lang is another level of growth lang naman or another level ng trabaho namin,” sambit ni Daniel. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?