73

Jul 16, 2019 @ 19:14
By

Daniel Radcliffe naiyak sa suicide note ng lolo

Naging emosyonal si Daniel Radcliffe sa series na “Who Do You Think You Are?” matapos niyang mabasa ang suicide note ng kanyang lolo sa tuhod.

Naghirap noon ang lolo sa tuhod ni Radcliffe na si Samuel Gershon matapos looban ang tindahan ng mga alahas nito noong 1936.

Pero sa kasamaang-palad, nang i-report ito sa pulis ng Jewish businessman, inakusahan pa siyang nagsinungaling para makakuha ng insurance.

Dahil dito, nagpasya na lang si Gershon na magpakamatay sa edad na 42.

Kalaunan nalaman ni Radcliffe sa isang episode na nagbayad din ng claim ang insurance pero huli na dahil patay na ang kanyang lolo sa tuhod.

Sa trailer ng show, nadiskubre ni Radcliffe ang isang litrato kung saan nakita niya ang malaking pagkakahawig niya sa kanyang great great grandfather na si Louis Gershon.

Nakatakdang ipalabas ang “Who Do You Think You Are?” sa July 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?