By

Daniel, pakakasalan na si Karolina sa Poland?

Sharing is caring!

Natupad na ang pangarap at plano ni Daniel Matsunaga na makita at makasama uli ang kanyang Polish girlfriend na si Karolina Pisarek. Pero sa pagkakataong ito, kabilang na ang parents ng babae.

Nakaposte sa Instagram account ni Daniel ang dalawang photo kung saan magkakasama sila nina Karolina at parents nito sa selfie photo.

Kinumpirma mismo ni Daniel sa maikling caption ng larawan ang pakikipagkita nito sa kasintahan at sa parents nito.

@dandanmatsunaga, “Finally” na nilagyan niya ng tatlong pulang heart icon.

Hindi na pinagtakhan ng kanyang mga follower ang muling pagkikita nina Daniel at Karolina dahil bago pa man ang photo nito kasama ang mga magulang ng modelo, nauna nang nag-post ang aktor sa kanyang IG ng larawan nila ng kasintahan in black & white na may caption na, “See you soonnnn my piekna.”

Nalulunod sa pag-ibig ngayon si Daniel kung ibabase sa mga pagpapalipad niya ng love messages sa social media kay Karolina.

Isa pa, dalawang beses dumating sa Pinas si Karolina para lang makasama ni Daniel. Noong bago mag-Pasko at nitong holiday season.

Isang buwan lang ang pagitan at ninais na naman ni Daniel na makita ang kanyang dyowang tisay. Ibig sabihin, baliw na baliw sa pag-ibig ang Brazilian actor.

Hindi sinabi ni Daniel sa post niya kung nasaan siya pero ipinapalagay ng kanyang mga follower na nasa Poland ngayon ang aktor para i-meet ang parents ni Karolina at tuloy doon na ito mag-celebrate ng Valentine’s Day kapiling ang kasintahan.

Kinakantiyawan si Daniel ng kanyang fans na baka mag-propose na ito ng kasal kay Karolina ngayong nakilala na niya ang parents nito.

Sa mga interview ni Daniel, sinasabi nitong handa na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya, na ang ibig sabihin ay magpakasal at magkaroon ng asawa’t mga anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?