599

Nov 16, 2021 @ 18:41
By

Daniel Padilla stress sa mga magulang

Stress si Daniel Padilla sa parents niyang sina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Ani Karla sa vlog ni Ogie Diaz, pareho raw kasi silang tatakbo ni Rommel sa darating na eleksyon.

Si Karla ay tumatakbo sa pagka-party-list representative habang si Rommel ay isang local position sa Nueva Ecija.

“Na-stress ‘yung anak ko. Na-stress siya. Hindi niya kinaya,” sey ni Karla habang tumatawa nang tanungin kung hindi ba nahihilo si Daniel dahil parehong tumatakbo sa halalan ang kanyang mga magulang.

“Di kasi, parang si Daniel, hangga’t maaari umiiwas sa usaping politika, tapos biglang, hindi man lang kapatid, talagang parehong magulang niya ang kinailangan at binigyan ng pagkakataon,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?