1,001

Dec 29, 2017 @ 20:32

Daniel Padilla, Angelica Panganiban wagi sa 65th FAMAS Awards

Wagi bilang best actor si Daniel Padilla para sa pelikulang ‘Barcelona: A Love Untold’ habang best actress si Angelica Panganiban para naman sa ‘The Unmarried Wife’ sa 65th FAMAS Awards.

Ipinalabas sa mga sinehan ang ‘Barcelona’ noong Setyembre 2016 tampok sina Daniel at Kathryn Bernardo bilang Ely at Mia na kinunan sa Barcelona, Spain.

Kuwento ito ng isang lalaki na hindi maka-move on sa unang pag-ibig na ginampanan ni Daniel.

Habang sa ‘The Unmarried Wife’, ay kuwento ng isang babae na si Anne na ginampanan ni Angelica at ang kumplikado nilang pagsasama ng asawa na si Geoff (Dingdong Dantes). Nahati ang pagmamahal niya sa asawa at sa kanyang lover.

Ginanap ang 65th FAMAS Awards noong Disyembre 28 sa Philippine Social Science Center Auditorium sa Quezon City.

Ang mga sumusunod ang nakatanggap ng awards, ayon sa PEP:

Best Picture: Barcelona: A Love Untold

Best Actor: Daniel Padilla, Barcelona: A Love Untold

Best Actress: Angelica Panganiban, The Unmarried Wife

Best Director: Olivia M. Lamasan, Barcelona: A Love Untold

Best Supporting Actress: Liza Diño, Ringgo: The Dog Shooter

Best Supporting Actor: Ricky Davao, Iadya Mo Kami

Best Production Design: Shari Marie Montiague, Barcelona: A Love Untold

Best Sound Design: Aurel Claro Bilbao, Everything About Her

Best Screenplay: Vanessa Valdez, The Unmarried Wife

Best Editing: Beng Bandong, Vince & Kath & James

Special Awards:
German Moreno Youth Achievement Award: Maine Mendoza at Ivan Dorschner

FPJ Memorial Award: Dingdong Dantes

Lifetime Achievement Award: Susan Roces at Amalia Fuentes

Arturo M. Padua Memorial Award: Ronald King Constantino

Dr. Jose Perez Memorial Award: Dolly Ann Carvajal

Outstanding Producer: Donna Sanchez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?