112

By

Daniel Matsunaga, kumambiyo sa kasalan blues

Kulang na lang talaga ay mag-propose si Daniel Matsunaga sa kasintahan niyang si Karolina Pisarek, isang Polish model.

Parang isang engagement na ang lumabas na video sa Instagram wall ni Daniel na nagpapakita ng kanilang sweet moments ng kasintahan.

Ang nasabing short video ay kuha sa nakaraang bakasyon nila sa Coron, Palawan kasama ang pamilya ng Japanese Brazilian actor.

Masisilip sa video ang aerial shot ng kanilang landian at harutan sa baybaying dagat.

Naroong magkahawak ang kamay na naglalakad ang dalawa. May yakapan at halikan. Binuhat pa sa likod ni Daniel si Karolina.

Ang ganda ng shot dahil sumasabay ang hampas ng alon sa baybayin sa masayang moment ng magkasintahan.

Kaya nga hindi kataka-takang magpasalamat si Daniel sa kumuha ng video na na-capture nito ang ganda ng paglalaro ng alon at sa mga harutan nilang dalawa.

Dahil sa ganda ng shot aakalain mong isa na itong pre-nup video pero hindi pa naman nagpo-propose si Daniel sa kasintahan.

Nagbago nga ang dialogue ni Daniel sa amin. Kung sa nakaraang interview, sinabi nitong ang susunod niyang kasintahan ang siya na niyang magiging forever at pakakasalan, ‘yun nga ay si Karolina.

Ngunit ngayon ay sinasabi ni Daniel na ipauubaya na lang niya sa kapalaran niya kung kailan siya pakakasal at magkakaroon ng pamilya.

Sey pa niya, kung sila raw talaga ni Karolina ang para sa isa’t isa, ang Diyos ang magtatakda nito sa kanya.

Siyanga pala, kasali sa MMFF 2017 movie entry na “Meant To Beh” si Daniel na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?