218

Jan 1, 2018 @ 14:42
By

Daniel Matsunaga happy sa piling ni Karolina

Gaya nang dapat asahan dito na nga nag-Pasko at Nagbagong Taon ang kasintahan ni Daniel Matsunaga na si Karolina Pisarek.

Ikalawang beses na ito ni Karolina sa Pilipinas courtesy of Daniel mismo. Una, ay sa bakasyon nila sa Coron bago pa nag-Holiday Season, kasama ang iba pang family members ng Brazilian actor.

Ang ikalawa ay sa isa uling island na hindi na sinabi pa ni Daniel sa kanyang Instagram post pero sa pagkakataong ito kasama na nito ang iba pa nyang mga kaibigan.

Masisilip sa Instagram post ni Daniel ang group shot kasama si Karolina at iba pang mga kaibigan na ka-join rin ang kani-kanilang mga kasintahang foreigners.

Walang pagbabago sa facial expression ni Daniel, sa pagu-glow ng kanyang mukha sa labis na kasiyahan sa piling ng girlfriend.

Well, may kanya-kanyang choice of happiness sina Daniel at Erich Gonzales ang dating magkasintahan na ayaw nang pag-usapan pa ang isa’t-isa.

Si Erich sobrang happy sa piling ng tinatawag niyang second family, ang mga Baretto.

Makikita sa Instagram wall ni Marjorie ang mga larawan nila nina Erich, kasama ang mga anak nyang sina Dani, Julia, Claudia, Leon at ang boyfrieng ng anak niyang si Julia na si Joshua.

May posting rin si Erich sa sarili niyang IG wall nang mga photos na halos mawala na ang kanyang mga ngiti sa labis nang kasiyahan sa bakasyon nito sa snow.

Kung si Daniel ay sa piling ni Karolina, si Erich naman ay sa piling ng kanyang mga kaibigan. Asahang mas bobongga pa ang career ng aktres ngayong 2018 lalo’t pumapalo sa takilya ang “Siargao” matapos itong manalo ng mga awards sa MMFF2017. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?