415

Dec 6, 2017 @ 11:30
By

Daniel Matsunaga dedma sa sexy photo ni Erich

Tumangging magbigay nang reaksyon niya o comment si Daniel Matsunaga sa pasabog na sexy photos ni Erich Gonzales sa 2018 Tanduay Calendar kung saan siya ang pin-up model.

Sabi ni Daniel sa interview namin hindi raw niya nakita ang mga sinasabing sexy photos nang kanyang ex, pero narinig na raw niya ang tungkol dito.

Halatang ayaw na talagang pag-usapan ni Daniel ang anumang may kinalaman kay Erich, na base sa kanyang paliwanag “past is past” na raw ito.

Ibinigay pa niyang example ang isa pa niyang ex na si Heart Evangelista na nakaraan na rin niya pero all-is-well na raw ngayon sila sa isa’t-isa, na totoo naman dahil following nang Kapuso star si Daniel sa kanyang Instagram.

Mas gusto raw ni Daniel na mag-focus na lang sa kung ano meron siya kaysa pag-usapan ang kanyang nakaraan, lalo’t may special someone na sya ngayon at hindi naman tago na ito’y ang Polish model n si Karolina Pisarek.

Happy naman raw si Daniel sa kung anuman meron ngayon si Erich pero hangga’t maaari nga ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol lalo’t nakapag-move on na raw ang lahat sa kanilang hiwalayan.

Patuloy pa tungkol sa kanyang girlfriend, aminadong nabitin si Daniel sa bakasyon nilang dalawa nang girlfriend sa Palawan nong nakaraang linggo.

Muling padadalhan raw ng ticket ni Daniel si Karolina para dito matikman naman nito ang Pasko sa Pinas.

Sa kanyang Instagram posting ng photo nila ni Karolina, sinabi ni Daniel sa caption na, “see you soon”.

Ito pala ay ang muling pagpapabalik niya sa Pinas kay Karolina para makapiling nya ito uli.

Bagamat, sinabi ni Daniel sa nakaraang interviews niya na kung sino ang susunod na magiging girlfriend nya yun na ang magiging forever nya, ayaw pa rin niyang i-claim na si Karolina ang tinutukoy niya.

Nais ni Daniel na ang panahon at ang kagustuhan ng Diyos ang magtakda kung sino ang magiging ‘forever’ nya.

Nakatsikahan namin si Daniel sa presscon ng “Meant to Beh” ang MM2017 film fest entry mula sa M-ZetProductions at Octo Arts Films.

Pinagbibidahan ito nina Vic Sotto, Dawn Zulueta kasama sina Baste, Gabbi Garcia, JC Santos, Sue Ramirez, Ruru Madrid, Andrea Torres, Thou Reyes at sa direksyon ni Chris Martinez.

Papel nang isang admirer ni Dawn ang ginagampanan ni Daniel sa pelikula. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?