316

Dec 1, 2017 @ 11:02
By

Daniel Matsunaga, ‘blessed’ sa bagong dyowang Polish

Umaapaw sa tuwa ang mundo ni Daniel Matsunaga ngayong kapiling niya dito sa Pinas ang kanyang Polish girlfriend na si Karolina Pisarek.

Ilang araw nang nandito sa bansa ang fashion model base sa sunod-sunod na postings ng aktor sa kanyang Instagram wall.

Unang nagpaskil si Daniel ng photo nilang dalawa ng girlfriend sa isang football game ng una.

Nakaakbay si Daniel sa kasintahan habang hinahalikan niya ito sa pisngi. Punong-puno ng sweetness ang dalawa sa larawan lalo’t may hawak pang bouquet of flowers si Karolina na kinilig sa tamis ng pagkakahalik ng boyfriend niya sa kanya.

@dandanmatsunaga, “Just like coffee with milk. I am the happiest. Thank you Lord. Football with may Piekna.”

Ang Piekna ay tawag ni Daniel sa kasintahan mula sa pinagsamang name nitong Pisarek at Karolina.

Ang mga sumunod na photos ni Daniel ay kuha naman sa bakasyon nila sa Coron.

‘Yung isang photo ay nagka-kayaking sila ni Karolina. May selfie shot ang modelo sa kanilang dalawa ni Daniel.

Walang mahabang caption si Daniel sa photo na ito at tanging boat at swimming icon lang ang sinulat nito.

Selfie photo pa rin ni Karolina ang isa pang larawang pinoste ni Daniel sa kanyang IG.

Kuha naman ang larawan sa pagkain nila sa dagat.

@dandanmatsunaga, “Bbq at the beach.”

Naramdaman ng mga kaibigan ni Daniel ang happy mood nito sa pagkakataong ‘yun.

@gabvalenciano, “Masaya kapatid ko.”

Nasa pool naman sina Daniel at si Karolina sa sumunod na larawan nila. Silhoutte ang shot habang nakaharap silang dalawa sa magandang sunset view.

Magkaharap ang mukha nilang dalawa sa gilid ng pool.

Hindi couple vacation ang Coron-getaway ng dalawa. Kasama ni Daniel ang buo niyang pamilya, na ang ibig sabihin ay nakilala na ito ng kanyang kasintahan.

@dandanmatsunaga, “With my Piekna and family here at @thefunnylion #blessed.”

Sa mga hashtags ni Daniel na #blessed at pagpapasalamat niya sa Diyos, maliwanag pa sa sikat ng araw na inlove sa kasalukuyan ang aktor.

Ang nakakaloka lang sa sitwasyon kung kailan nagpasabog ng kanyang bagong image si Erich bilang sexy actress mula sa kanyang Tanduay 2018 calendar at sa teaser-trailer ng bago niyang serye na “Blood Sisters”, saka naman ipinangalandakan ni Daniel ang mga photos nila ng kanyang girlfriend.

Hindi naman siguro nagpapatalbugan sa mga magagandang kaganapan sa kanilang mga buhay sina Erich at Daniel para lang ipamukha sa isa’t isa na hindi tumigil ang mundo nila nang maghiwalay sila. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?