35

Sep 14, 2021 @ 15:54
By

Daniel, Kathryn sigurado na sa isa’t-isa

Naniniwala sila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na sila na talaga ang para sa isa’t-isa.

Pakilig sa mga fans ng ‘KathNiel’ ang ‘The Boyfriend Tag Quiz’ ng couple na inupload sa YouTube page ng Star Cinema.

Dito ay nagtanungan ang dalawa patungkol sa kanilang relasyon.

Ngunit ang highlight ay nang tanungin ni Kathryn si Daniel ng: ‘Do you think I am your soulmate?”

Simple at diretso ang tugon ni Daniel: “Yeah. Siyempre.”

Kaya naman walang kiyemeng sumagot si Kathryn: Yeah, me, too… Ang soulmate ibig sabihin destined for you, di ba?”

“I think planado siya ni God kung paano kami nagkakilala, ‘yung tamang oras,” dugtong pa ng aktres. “So you are my soulmate.”

Naniniwala rin si Daniel na ‘perfect timing’ ang relasyon nila ni Kathryn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?