282

Dec 7, 2017 @ 13:29

Daniel at Kathryn, nominado sa Blue Star Awards ng Vietnam

Pihadong nagbubunyi na naman ang KathNiel fans sa nominasyon ng kanilang mga ‘lodi’ na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Blue Star Awards ng Vietnam.

Ayon sa DZMM, makikipaglaban si Kathryn sa Best Foreign Actress category kung saan nominado rin sina Meg Imperial at Andrea Torres.

Habang si Daniel naman ay nominado sa Best Foreign Actor category. Makakalaban naman niya sina JC de Vera at Mikael Daez, bukod pa sa mga foreign actor na nakakuha rin ng nominasyon.

Nominado naman ang teleserye ng tambalang Daniel at Kathryn na “Pangako Sa ‘Yo” para sa Favorite Foreign Film category kabilang din ang “Moon of Desire” ng ABS-CBN at “Sana Ay Ikaw Na Nga” ng GMA 7.

Nagwagi na rin noon sina Kathryn at Daniel bilang Best Foreign Actress and Best Foreign Actor para sa serye nilang Got To Believe sa Vietnam’s Face of the Year noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?