187

By

Daniel, Karolina nagtampisaw sa kaligayahan sa Boracay

Nakumpleto ang holiday season ni Daniel Matsunaga sa pananatili ng kanyang Poland Supermodel girlfriend na si Karolina Pisarek.

Sa Boracay nagtampisaw sa ligaya sina Karolina at Daniel kamakailan.

Masisilip sa mga Instagram post ni Daniel ang mga photo nila ni Karolina kasama pa ang ilan sa mga kaibigan at kamag-anak.

Ikalawang beses na itong Island getaway ng dalawa. Ang una ay noong bago mag-Pasko nung bisitahin nila ang Palawan.

Nu’ng Linggo lang umalis ng bansa si Karolina na mababasa sa caption ng larawan nila ni Daniel na kuha sa Boracay. Hindi pa man nakakalipad si Karolina nagpahayag na ito ng pagnanais niyang muling makasama ang kasintahan sa mga susunod nilang pagkikita.

Lubog na sa pag-ibig ang puso ni Karolina base sa pinakahuling mga salitang sinulat.

@karolina_pisarek, “So, this is the time…time to see you soon my love. I miss you already, and I just enter the airport. Can’t wait to hug you and see your smile for real again. My love is more than to the moon and back…God bless you always. Time for me to fly.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?