39

Sep 25, 2021 @ 20:52
By

Daniel Craig isasabuhay pagiging James Bond

Isasabuhay ng English actor na si Daniel Craig ang propesyon ng sikat niyang movie character na si James Bond nang hirangin siya bilang isang honorary officer ng Royal Navy ng UK.

“I am delighted to welcome honorary Commander Daniel Craig to the Royal Navy,” saad sa statement ng pinuno ng Royal Navy na si First Sea Lord Admiral Sir Tony Radakin.

“Daniel Craig is well known for being Commander Bond for the last 15 years — a naval officer who keeps Britain safe through missions across the globe. That’s what the real Royal Navy does every day, using technology and skill the same way as Bond himself,” dugtong pa nito.

Ayon sa ulat, nais gamitin ni Craig ang pagiging parte ng Royal Navy para makatulong sa pamilya ng mga sundalo sa UK.

“Our honorary officers act as ambassadors and advocates for the service, sharing their time and expertise to spread the message about what our global, modern, and ready Royal Navy is doing around the world,” wika pa ni Radakin.

Ang 53-anyos na si Craig ay bibida muli bilang si James Bond sa pelikulang ‘No Time to Die,’ na ipapalabas ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?