801

By

Dani Barretto nagdadalang-tao

Kinumpirma ng anak ni Marjorie Barretto na si Dani na buntis ito, makalipas ang lampas isang buwan na pagpapakasal nito kay Xavi Panlilio.

Sa Instagram post ni Dani, proud nitong ipinakita ang baby bump na sinabing ang magiging anak ang kanyang :”inspiration and purpose”.

“I never thought this kind of happiness was even possible,” saad ni Dani.

“In a few months, you will be the most delicate treasure we will ever hold in our arms, and there will be nothing more fragile in the whole world. For countless days, and nights we will always look down on you and be reminded of all the love that the three of us will forever share.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?