51

Feb 2, 2019 @ 13:59

D’Angelo Russell pantapal kay Oladipo sa NBA All-Star

Itinanghal si Brooklyn Nets guard D’Angelo Russell kapalit ni Indiana Pacers star Victor Oladipo para sa Eastern Conference reserves sa 2019 NBA All-Star Game.

Ito’y matapos mangyari ang season-ending injury ni Oladipo na nagtamo ng ruptured quad tendon sa kanyang kanang tuhod noong Enero 23.

Ito ang unang All-Star Game selection ni 2015 2nd overall pick, na nag-a-average ng 19.6 points per game sa 43.8% shooting, 37.4% sa three-point field at 6.4 apg.

Pinamumunuan din ni Russell ang Brooklyn Nets, na tangan ngayon ang 28-25 record at nasa 6th seed ng Eastern Conference standings.

Si Russell ay mag-aantay pa hanggang Pebrero 7 kung siya ay magiging miyembro ba ng Team LeBron o Team Giannis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?