83

Dec 31, 2017 @ 11:55

Dandan pinalitan si Gavina bilang Kia head coach

Matapos ang dalawang laro sa PBA Philippine Cup, nagbitiw na bilang head coach ng Kia si Chris Gavina.

Ayon kay Kia Governor Bobby Rosales, kinausap umano ni Gavina si Joe Lipa, team manager, kaugnay ng kanyang pagbibitiw sa koponan.

Pinalitan si Gavina ng assistant coach na si Ricky Dandan na titimon sa Kia na may 0-2 win-loss sa kasalukuyang conference.

Nakuha ni Gavina ang lead coaching position sa simula ng 2017-2018 PBA season.

Isang beses pa lang nakapasok sa playoff ang Kia noong 2016 Governors’ Cup kung saan assistant coach noon si Gavina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?