19

By

Dandan nagbitiw bilang Columbian Dyip coach

Sharing is caring!

Matapos ang dalawang PBA conferences, nagpasya si head coach Ricky Dandan na bitawan na ang kanyang posisyon bilang head mentor ng Columbian Dyip.

Pagpokus sa UAAP ang naging rason ng resignation ni Dandan.

Bago magbitiw ng puwesto, nagsilbing head mentor si Dandan ng Columbian Dyip at parte rin ng coaching staff ng UP Fighting Maroons.

“I have arrived at this decision after much thought and consideration. My personal decision now is to concentrate on helping coach Bo Perasol and the UP Fighting Maroons in our quest for the Final Four in the forthcoming UAAP season,” ani Dandan.

Sa Phillipine Cup, nag-iwan ng marka si Dandan ng 5-15 para sa Columbian, at sa kasalukuyang Commissioner’s Cup ay nagpakita ng improvement ang tropa na may 4-7 marka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?