55

Dec 10, 2019 @ 14:36

Dancing police ng Puerto Princesa trending pa rin

Hindi pa rin maka-move on ang publiko sa kembot at indak ng limang pulis ng Puerto Princesa City Mobile Force Company (CMFC) na sinayawan ang kantang “BAAM” ng K-pop girl group Momoland.


As of December 10, 2019, isang taon at isang buwan matapos i-upload sa Facebook page ng CMFC ang dance cover, umani na ito nang 126K reactions, 17K comments, at 157K shares.

Ayon sa isang dancing police na si Allan Alleda, “special number” lang ito sa kanilang bloodletting activity sa SM City Puerto Princesa.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, tatlong taon na mula nang mabuo ang “CMFC Dance Troupe,” at karaniwan silang sumasayaw tuwing may mga aktibidad ang pulisya.

Nasa sistema na anila nila ang pagsasayaw kahit pa noong mga mag-aaral sila, kaya pinagpatuloy nila ito ngayong ganap na silang mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?