19

Sep 16, 2020 @ 17:03
By

Danao namumurong NCRPO chief

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan na kinokonsidera niya si Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. na susunod na hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ani Cascolan, posible kasing ma-promote sa mataas na posisyon ang NCRPO chief ngayong si Maj. Gen. Debold Sinas.

Maliban aniya sa pagkakaroon ng reputasyon ni Danao bilang pulis, “very competent” din daw ito.

“Well, whether NCRPO (National Capital Region Police Office) or CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) is good but I would rather choose him for NCRPO because he is much better in the NCRPO. He did his best and he has done good in PRO 4A. Not even that, he even has a reputation in the service and he is a very competent person too,” paliwanag ni Cascolan sa panayam sa telebisyon.

Sa kasalukuyan ay hepe ng Police Regional Office 4-A (Calabarzon) si Danao.

Nagsilbi rin siyang Manila Police District director.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?