405

By

Daming mura pero lambot kapag China: #Duterte Duwag, nag-trending

Naglabas ng kanilang sentimyento sa social media ang mga netizen tungkol sa reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring banggaan sa Recto Bank na kinasasangkutan ng Filipino at Chinese vessels.

Tinawag nilang duwag ang Pangulo dahil madalas itong kahol nang kahol at hindi nangangagat pero ngayon umano dahil China ang sangkot, kahit kahol ay wala itong nasambit.

Dagdag pa ng mga ito, daming mura at puro salita umano ang Pangulo pero malambot kapag sa China.

Giit pa nila, ang pag-demand ng accountability sa China ay hindi maiuugnay sa giyera.

Gusto lang anila ng “sincere apology” at hindi digmaan mula sa Tsina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?