22

Apr 4, 2021 @ 18:35
By

Daming bata na humihithit! DepEd aprub sa paghigpit sa vape

Nais ng Department of Education (DepEd) na makontrol ang pagbenta sa electronic cigarette o vape.

Sa pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones, sinabi nito na base sa datos ng Philippine Pediatric Society, dumadami ang kabataan na sumusubok ng vape.

Sa 11,500 estudyanteng sumailalim sa survey, 6.7% ng mga Grade 7 hanggang 9 ang nagsabing nakasubok na silang mag-vape.

“In their classes, we teach our learners how to reject harmful substances. Outside these classes, we need policies and structures that will help reinforce our learners’ health-promoting choices, complementing what we teach them in school,” lahad ni Briones.

Nakabinbin sa Senado ang Vaporized Nicotine Products Regulation Act, na naglalayong higpitan ang bentahan ng vape base sa edad, pati sa online trade.

“Especially now that we are in a pandemic, I appeal to our legislators to approach the issue from a health perspective. We are all first-hand witnesses of how any threat or attack to a country’s health system eventually affects every other sector of public life, from economics to education,” saad pa ni Briones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?