37

Apr 12, 2021 @ 16:06

Daming assignments! Kim hindi kinaya online learning

Sinubukan pala ni Kim Chiu ang distance learning.

Pero, tsika niya sa kanyang vlog, masyadong mahirap pagsabayin ang acads at showbiz.

“Kinuha ko ‘yung business management. Sa UPOU (University of the Philippines Open University), magkaklase lang ako online tapos kapag may recitation, magvi-video cam kami nung teacher dati,” sambit ng aktres.

“Dati pa pala, uso na ang homeschooling talaga bago pa itong pandemic na ito, but hindi ako nagtagal kasi hindi ko kinaya,” dagdag niya at sinabing dalawang taon siya sa UPOU.

“Ang daming assignments and projects, tapos nagte-teleserye pa ako and nag-a-‘ASAP.’ Though hindi ko naman sinisi ‘yung mga projects na iyon because those are opportunities na hindi natin pwedeng palampasin,” punto niya pa. ” Ang pag-aaral, I’m sure naman nandiyan lang iyan.”

Naniniwala naman si Kim na “there is always a way and time na makabalik tayo sa pag-aaral and makakakuha tayo ng college degree.”

Samantala, simula last year ay tumungo sa remote learning ang mga Pinoy, mula sa karaniwang face-to-face classes, upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?