73
johnson
By

Dambuhalang Johnson, malaking tulong sa ROS

Matalas ang balik sa court ng Rain or Shine, kinalawang naman ang NLEX.

Magtatagpo ang magkasalungat na team sa nightcap ng PBA Commissioner’s Cup bukas (Mayo 2) sa Ynares Center sa Antipolo.

Naitawid ng Elasto Painters ang unang dalawang asignatura sa midseason conference, unang itinumba ang Alaska 109-103 sa overtime noong Biyernes, isinunod na sinagasaan ang Ginebra 108-89 noong Linggo.

Natisod ang Road Warriors sa Columbian Dyip 123-103 noong Sabado sa Antipolo din.

Isa sa sinasandalan ng E-Painters ni coach Caloy Garcia ang tumitibay na depensa ng team, kahit si James Yap na mas kilala sa opensa ay nahahasa na. Kontra Gin Kings ay may dalawang steals siya.

Isa pa ay ang dambuhalang import nilang si Reggie Johnson, may 16 points, 15 rebounds at three blocks kontra Gins.

“We have an import who’s sharing the ball, he gets the locals involved,” ani Garcia sa kanyang 290-lb reinforcement. “As long as we move the ball and get open shots, I think we will have a good conference.”

Mahusay ang samahan ni Johnson at ng locals, may malaki na rin sa loob ang Painters maliban kay Raymond Almazan.

“Ang laki ng tulong niya sa loob. Kasi dino-double siya sa post, kami naman abang-abang lang sa may 3-points,” lahad ni James. “Every practice nage-extra shooting talaga kami kasi alam namin na ido-double talaga siya kaya ready lang kami sa wings.”

Ang NLEX, paniguradong gustong bumalik matapos tambakan ng 20 ng Columbian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?