150

Oct 15, 2020 @ 23:40
By

Dambuhalang buwaya nahuli sa Tawi-Tawi

Viral ang mga larawan ng isang buwaya na nasa 18 talampakan ang haba at pinagtulungang mahuli sa Barangay Bakong, Simunul, Tawi-Tawi noong Miyerkoles.

Ayon sa Facebook uploader na si Grace Nuka, isang mangingisda sa kanilang barangay ang nakakita sa naturang dambuhalang buwaya.

Iniulat na dinala ang buwaya sa Papa Bull’s Park, isang lugar na ipinangalan sa “largest living crocodile” na nalambat taong 2017, bago ang pagkakahuli ng mas malaki pang buwaya na si “Lolong”, na may 20.24 talampakang haba at opisyal na kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamalaking buwaya na nahuli sa mundo.

https://www.facebook.com/grace.nuka/posts/3376275875760613

https://www.facebook.com/grace.nuka/posts/3376227982432069

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?