125

Jan 4, 2020 @ 14:53
By

Dambuhalang bulaklak nadiskubre sa Indonesia

Naispatan ng mga Indonesian environmentalist ang isang uri ng bulaklak na tinatagurian ngayong isa sa pinakamalaking bulaklak sa buong mundo.

May sukat na 111cm in diameter ang higanteng Rafflesia tuan-mudae, isang pulang bulaklak na may mga puting spots sa petals nito, sabi sa ulat sa Straits Times.

Mas malaki ito kumpara sa 107cm na bulaklak na nadiskubre sa isang gubat sa West Sumatra.

Iyon nga lang, ayon kay Agam Conservation Agency officer Ade Putra, isang linggo lang ang tinatagal ng Rafflesia tuan-mudae at agad na nalalanta.

Pinangalan ang Rafflesia sa British colonialist na si Stamford Raffles, na siyang unang nakakita nito sa Indonesia noong 19th century.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?