32

Jan 11, 2021 @ 15:50
By

Dambuhala! Kamay ni Kawhi trending

Bagay ang bansag na ‘The Klaw’ kay LA Clippers superstar Kawhi Leonard.

Ito’y matapos mag-trending ang two-time NBA champion hindi dahil sa kanyang magandang performance kontra Chicago Bulls, kundi dahil sa dambuhala niyang kamay.

Sa tweet ng official account ng Clippers, pinakita ang pagdakot ni Kawhi sa dalawang water bottle nang walang kahirap-hirap.

Maraming netizen ang bumilib dito, kaya’t nakakuha agad ng 6,500 likes ang naturang tweet.

Sa nasabing laban, panalo ang Clippers kontra Bulls, 130-127, kung saan kumamada si Kawhi ng 35 points, four assists at three steals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?