81

Mar 20, 2021 @ 21:03
By

Damay pati si baby: Buntis na pulis patay sa COVID

Nasawi sa coronavirus disease ang isang babaeng pulis maging ang kanyang ipinagbubuntis.

“It is with a heavy heart and deep sadness that I announce the untimely demise of another esteemed police officer who was in the frontline in this epic fight against a silent but deadly enemy,” anunsyo nitong Sabado ni Philippine National Police officer in charge Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Nakatalaga umano ang lady cop bilang Questioned Document Examiner at isa sa mga lider ng Scene of the Crime Operations Team ng Valenzuela City.

Ayon kay Eleazar, na-test na positibo ang pasyente noong Marso 12 at dinala sa isang quarantine facility pero kalaunan ay inilipat sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center. Na-confine ito noong Marso 17 matapos mahirapang huminga.

“On March 18, 2021 she was hooked to mechanical ventilator for oxygen support. According to her OB-in-charge, she had seizures on March 19, 2021 and was extubated twice. At about 5:00 AM, decreased heart rate was noted,” saad pa ng PNP OIC.

Marso 20 ay bumaba ang kanyang heart rate kaya 12 beses na binigyan ng epinephrine pero hindi na naisalba kasama ang hindi pa isinisilang niyang sanggol.

“However, even with resuscitation and medications given she expired. At around 5:38 AM, she was declared dead, with her unborn child,” ani Eleazar.

Ang lady cop ang ika-36 sa COVID-19 death toll ng PNP.

PREGNANT COP IS 36TH PNP COVID-19 FATALITY

“It is with a heavy heart and deep sadness that I announce the untimely…

Posted by Philippine National Police on Saturday, March 20, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?