6

Jan 29, 2021 @ 15:40
By

Dama sa NCR! Occidental Mindoro inuga ng magnitude 4.9

Tumama sa Occidental Mindoro ang isang 4.9-magnitude na lindol ngayong hapon. Naramdaman ito sa ilang bahagi ng National Capital Region.

Sa unang earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinabing magnitude 4.3 ang pagyanig. Inangat ito sa magnitude 4.9 sa pangalawang bulletin.

Naitala ang pagyanig sa 22 kilometers northwest ng bayan ng Paluan bandang 1:12 ng hapon.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na siyam na kilometro.

Sabi ng Phivolcs, naramdaman ang mga sumusunod na intensity at instrumental intensity:

Intensity III – Paluan, Looc, at Lubang, Occidental Mindoro
Intensity II – City of Manila; Malabon City; Pasig City
Intensity I – Quezon City

Instrumental Intensity II – Calatagan, Batangas; Tagaytay City
Instrumental Intensity I – Puerto Galera, Oriental Mindoro; Carmona, Cavite; Muntinlupa City; Navotas City

Samantala, ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala matapos ang pagyanig pero dapat asahan ang aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?