49

By

Dallas rookie Doncic pinalubog sina Paul, Harden ng Houston

Sharing is caring!

Bagito man sa liga, pinatunayan ni rookie sensation Luka Doncic na isa siya sa dapat katakutan pagdating sa clutch moments.

11 sunod-sunod na puntos ang ibinuslo ni Doncic para tigpasin ang walong puntos na kalamangan ng Houston Rockets sa Dallas Mavericks sa 4th quarter at maitakas ang panalo, 107-104.

Naging maalat pa ang shooting ng Slovenian sa unang tatlong quarters, 3 out of 13 sa field goals ngunit sa huling yugto ay nagpakawala ng magkasunod na tres para makalapit ang Dallas.

Sinamantala ng Dallas ang dalawang mintis sa free throw ni Chris Paul, kung saan sinagot ni Doncic ng isang floater para makatabla, 102-all, matapos ay si James Harden naman ang sumubok umiskor, ngunit air ball ang kinalabasan ng three-point attempt.

Si Doncic ay may 21 puntos, kaparehas ng Mavericks guard na si Wesley Matthews.

Para naman sa Rockets tumapos si Harden ng may 35 puntos, samantalang may 23 naman si Chris Paul at may parehong may tigwalong assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?