1,019

By

Dallas Mavericks owner kilala si Kai Sotto!

Sharing is caring!

Ang 7-foot-1 na si Kai Sotto na nga ba ang posibleng pinakaunang homegrown talent ng ‘Pinas na makatuntong sa NBA?

Sa ‘Spin Zone’ ni Homer Sayson sa Spin.ph, naitanong ng manunulat kay Dallas Mavericks owner Mark Cuban kung kilala ba nito ang tinaguriang ‘Kaiju’.

Nakakagulat ang tugon ni Cuban na buong ningning na sinabi na ito raw ba ang batang matangkad, na tila napanood na o nasilayan na ang Ateneo Blue Eaglets player.

Matapos nito ay tinanong ni Cuban ang edad ni Kai, at nang maipabatid na may international offer sa batang manlalaro, ito ang kanyang naging tugon.

“Good for him, but I can’t talk about him because of eligibility rules,” ayon sa Dallas Mavericks owner.

Dagdag pa ni Cuban nang maitanong kung posible bang kunin nito ang isang Pinoy tulad ni Kai, wala raw umano sa kanya kung taga-saan man ang isang player basta’t magaling ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?