210
grace-Poe
Feb 4, 2018 @ 14:26
By

Dalian trains huwag ipilit gamitin sa MRT – Poe

Mariing tinutulan ni Sen. Grace Poe ang balak ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 na gamitin ang mga bagon ng tren na binili ng Aquino administration sa kumpanya sa China na Dalian Locomotive and Rolling Stocks Co. (Dalian).

Binigyang-diin ni Poe na hindi puwedeng ipilit na gamitin ang 48 bagon na isinuplay ng Dalian dahil hindi akma sa riles at sa signalling system ng MRT.

Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni MRT3 General Manager Rodolfo Garcia na plano nilang idagdag sa iilang tren ngayon ng MRT ang mga bagon ng Dalian para maibsan ang mahabang pila at siksikan ng mga pasahero.

“Ang problema talaga kapag ang namumuno ng isang korporasyon o ng isang bagay hindi naman masyadong naiintindihan yung kanilang pinamumunuan,” sabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services.

“Nung nagkaroon ng hearing sa Kongreso, si Mr. Garcia ang nagsabi na gamitin na lang yung mga tren dito ng Dalian. Pero actually yung ating impormasyon tungkol dito, hindi talaga puwedeng gamitin hanggng hindi compatible,” dagdag nito.

Masyado umanong mabigat ang mga bagon ng Dalian para sa riles ng MRT at hindi rin akma ang signalling system nito.

Sa pagdinig ng Senado na pinamunuan ni Poe, inihayag na 49,000 kilograms ang bawat coach ng Dalian samantalang 48 kilogram lang ang kaya ng mga riles.

“Talagang hindi pwede. Wala pang sakay mabigat na. Baka magbanggaan pa dahil sa problema sa signalling sysfem

“Sabi ko nga eh kalimutan niyo na yang mga Dalian na ‘yan,” dagdag nito.

“Kahit na malaki na yung ating nagasta diyan, nagbayad na tayo ng a little less than P500 million, pero parang pinipilit naman natin na isuot ang isang sapatos na size 6 pero size 5 tayo,” diin pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?