16

Jul 19, 2020 @ 11:59
By

Dalawang tulak nanlaban, todas

Patay ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher matapos manlaban sa isinagawang simultenous buy bust operasyon sa magkahiwalay na oras sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Unang napatay ng pinagsanib na tauhan ng Manila Police District-DPIOU at DIstrict Special Operation Unit ang suspek na si Romualdo Borja alyas “Boyboy” ng Blk.15 – B Gasangan St., sakop ng Brgy.649 Zone 68, Baseco Compound, Port Area.

Alas 7:50 ng gabi, isinagawa ang buy bust operation nina PMSg Lester Caguintuan na umaktong poseur buyer habang back-up si PSSg Ronnie Tan pero nakatunog ang suspek na pulis ang katransaksiyon kaya bumunot ito ng baril at ipinutok sa mga pulis pero nagmintis.

Gumanti si Tan dahilan para tamaan ang suspek na isinugod pa sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center pero hindi na umabot ng buhay.

Samantala, napatay rin ng mga pulis sa nailatag na buy bust operation sa loob ng barong barong sa Blk.1 Dubai St.sa Brgy.649 Zone 68 sa Baseco Compound, ang isa pag tulak na nakilala lamang sa alyas “Tutas.”

Habang arestado naman ang kasabwat nito na Randel Garcia, 26, delivery boy na nakatira sa bahay ng suspek.

Ayon sa pulisya, alas-7:28 ng gabi nang magsagawa ng buy bust sa lugar.
Nanlaban rin si Tutay nang arestuhin matapos ang transaksiyon kaya siya napatay.

Naisugod pa rin sa GABMMC ang biktima pero idineklara ring dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?