1,004

Jun 8, 2019 @ 13:22
By

Dalawang klase ng bagong daga natuklasan sa ‘Pinas

Inanunsyo ng Journal of Mammalogy na nakadiskubre sila ng dalawang bagong uri ng tweezer-beaked hopping rats sa Pilipinas.

Ayon sa lead author na si Eric Rickart, natagpuan ang mga daga matapos pag-eksperimentuhan ang iba’t ibang klase ng pakain.

Isa na sa naging pain ang paborito ng mga daga na pinaghalong peanut butter at prinitong niyog.

Aniya nagtaka sila nang wala kumakagat sa kanilang ginawang patibong maliban sa isa ngunit hindi nito pinansin ang nakahain na pagkain sa halip ay kinain nito ang ibinigay na uod.

Para sa sunod na ginawang eksperimento, nilagyan nila ng buhay na uod ang patibong kung saan agad namang nagsilabasan ang mga ito.

“Once we began baiting the traps with live, wriggling earthworms, we discovered that these little animals are common and widespread,” aniya ng co-author na si Larry Heaney.

Pinangalanan ang mga daga na Rhynchomys labo at Rhynchomys mingan.

Ang pangalan ng mga specie ay ibinase sa Mount Labo at Mount Mingan kung saan natagpuan ang mga ito.

Inilarawan ni Rickart bilang ‘bizarre’ ang mga ito dahil sa pagkakahawig nito sa mga kangaroo kapag tumatalon.

Aniya mayroon silang mahaba at sensitibong nguso at halos walang ‘chewing teeth’.

Ayon naman kay Heaney, maamo at sobrang cute ng mga ito.

Dagdag pa niya, maiksi ang mga balahibo nito na tila ba isang plush toy.

Inaasahan ng mga nananaliksik na ang bago nilang natuklasan ay maging daan upang mapangalagaan ng mabuti ang mga kabundukan kung saan ito natagpuan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?