49

Dalawang abogado, matunog na kapalit ni Narvasa sa PBA

Sharing is caring!

Nagsimula na ang paghahanap ng bagong komisyuner ng PBA kapalit ng nag-resign na si Chito Narvasa.

Malakas umano na kandidato para sa posisyon ang dalawang batang abogado na sina Charlie Cuna at Rebo Saguisag.

Kasama sa hanay ng pinagpipilian bilang ika-10 komisyuner ng PBA sina Andy Jao, Tommy Manotoc at Ricky Palou pero mas gusto umano ng board na mas bata at episyente ang kanilang iuupong sunod na commissioner.

Si Cuna ay isang sportscaster habang dating UAAP commissioner si Saguisag.

Tumiwalag bilang commissioner ng PBA si Narvasa ilang oras bago ang pagbubukas ng 43rd season ng pro league.

Sumama pa si Narvasa sa Board of Governors sa center stage pero nasa sideline lang siya ng opening ceremony na naitala ang pinakamababang gate attendance sa kasaysayan ng liga.

Itinalaga bilang OIC pansamantala si PBA Media Bureau head Willie Marcial.

Dating naging coach ng Shell at Purefoods ang 55-anyos na si Narvasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?