62

Mar 9, 2020 @ 15:17
By

Dalaw pinagbawal dahil sa COVID-19: Mga preso nagwala, 1 patay

Patay ang isang inmate matapos magwala ang mga bilanggo sa apat na kulungan sa Italy dahil sa ipinatupad na panuntunan sa kanila para maawat ang pagkalat ng coronavirus outbreak.

Ayon sa Straits Times, kabilang sa inireklamo ng mga bilanggo mula sa Naples Poggioreale, Modena, Frosinone at Alexandria ang pag-ban sa pagbisita sa kanila.

Sabi ng rights group na Antigone, isang preso ang namatay sa kaguluhan pero hindi pa malinaw kung paano. Sa Modena, dalawang prison officers din ang sugatan.

Kinailangan ding ilipat ng ibang kulungan ang may 80 bilanggo dahil sa nangyari.

Nagsimula ang rebolusyon ng mga preso nang magsagawa ng protesta ang mga kaanak nila sa labas ng mga gate ng kulungan.

Kalaunan ay sumuko rin umano ang mga inmate, ayon sa metro.co.uk.

Nitong Lunes, Marso 9 ay 366 na ang namatay sa virus sa Italy habang 7,375 pa ang dinapuan.

Ang Italy sa kasalukuyan ang pumangalawa sa China sa dami ng namatay sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?