146

By

Dalagitang may epilepsy ginahasa, nabuntis ng sekyu

Hindi akalain ng isang 16-anyos na babae na mas bangungot ang dadanasin niya sa security guard na kumupkop sa kanya matapos niyang layasan ang pinsan na lagi siyang sinasaktan.

Kasama ang kanyang tiyahin, dumulog ang biktima sa Los Baños Police Station para isumbong ang ilang beses na pangre-rape sa kanya ng suspek na si Robert Tilan, isang security guard, ayon sa ulat ng GMA News.

Kuwento ng biktima, 15-anyos umano siya nang lumayas sa poder ng pinsan dahil sa pananakit nito kaya umalis siya kasama ang kanyang tiyahin at tumira sa bahay ng sekyu.

Pero sa tuwing aatakihin umano siya ng sakit na epilepsy, ginagahasa siya ni Tilan na nangyari Disyembre ng nakaraang taon.

Nalalaman na lang umano niya ang panghahalay dahil paggising niya, wala na siyang saplot sa katawan.

Tinakot umano ng suspek ang biktima na papatayin ang nanay nito pati siya kaya hindi siya nagsumbong sa tiyahin.

Nalaman na buntis ang biktima nang samahan ito ng hipag ng kanyang tiyahin sa DSWD.

Samantala, sasamahan umano ng women’s desk ng Los Baños Police ang biktima para maisampa ang kaso sa regional trial court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?