1,104
edsa
Mar 19, 2018 @ 19:40
By

Dalagitang basurera, ginahasa ng tinedyer sa ilalim ng flyover

Sa halip na tulungan na hanapin ang nawawalang kaibigan, ginahasa ng 16-anyos na lalaki ang isang dalagitang nangangalakal ng basura sa ilalim ng EDSA-Ortigas flyover.

Sa pahayag ng biktima na itinago sa pangalang Amor, 15-anyos, nitong Lunes ng madaling-araw ay nangangalakal sila ng kanyang kaibigang babae pero bigla itong nawala.

Doon ay nakita niya ang suspek na nasa edad 16-anyos at bagama’t hindi niya umano ito kakilala ay lumapit siya para magpatulong na hanapin ang nawawalang kaibigan.

Hindi naman nagdalawang-isip ang teenager na samahan ang dalagita subalit nang mapunta umano sila sa madilim na bahagi ng kalsada at walang masyadong tao, ay nagulat na lamang ang dalagita nang bigla siyang hatakin sa halamanan ng suspek.

Tinakpan umano ang kanyang bibig at sinabing huwag siyang mag-iingay kung ayaw nitong masaktan at binalaan pang pupukpukin ng bato ang ulo nito.

Sa takot ay nagpupumiglas umano ang dalagita habang pilit na ibinababa ang kanyang suot na shorts at hinahawakan ang kanyang dibdib.

“Nagmamakaawa po ako sa kanya at sabi ko huwag na niyang ituloy pero galit na galit siya at sabi niya babagsakan niya ako ng bato,” pahayag ng biktima.

Habang naghuhubad na rin umano ang suspek ay nagkaroon umano ng pagkakataon ang dalagita na makawala, at tumakbo hanggang sa makakita siya ng pulis at doon ay isinumbong niya ang ginawa sa kanya ng binatilyo.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang binatilyo na tila bangag pa sa ipinagbabawal na gamot at dahil sa menor-de-edad din ay nadesisyunang dalhin ito sa Department of Social Welfare and Development.

Nakatakda namang isailalim sa medico legal ang dalagita para alamin kung ito ay nahalay ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?