1,552

Nov 16, 2021 @ 18:23
By

Dalagita tumakas sa malibog na ama, hinalay ng 400 lalaki

Kagimbal-gimbal na karanasan ang sinapit ng isang 16-anyos na babae matapos niyang umalis sa kanilang bahay dahil sa pang-aabusong seksuwal ng kanyang ama.

Ayon sa CNN report, sinabi ng hindi pinangalanang biktima na nasa 400 kalalakihan ang humalay sa kanya sa Beed district, Maharashtra state sa India sa loob ng anim na buwan.

Kuwento ng biktima, bumagsak siya sa panlilimos sa isang bus stop matapos niyang takasan ang manyak na ama ngunit pinuwersa siya ng tatlong lalaki na maging sex worker.

Sabi ni Child Welfare Committee chairman Abhay Vitthalrao Vanave, pitong lalaki na ang nadakip kaugnay ng insidente.

Nasa 25 na nanghalay sa kanya ang kinilala ng biktima, kabilang ang dalawang pulis.

Sa edad na 13 ay ikinasal na umano ang biktima sa isang 33-anyos na lalaki na seksuwal din siyang inabuso.

Ayon sa National Crime Records Bureau, talamak ang kaso ng panggagahasa sa India, kung saan mahigit 28,000 kaso ng alleged rape sa kababaihan ang iniulat noong 2020. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?