1,558

Jun 10, 2021 @ 20:20
By

Dalagita sinakmal ng aso sa Cebu

Sugatan ang isang 16-anyos na babae sa Oslob, Cebu matapos atakihin ng asong Rottweiler noong Martes.

Kinilala ang biktima na si Jeny Rose Gomilao, na nakuhanan pa ng video na inaatake ng aso na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay.

Nakawala naman umano ang aso at tumakbo sa may tabing-dagat sa Barangay Looc kung saan naroon ang biktima at namumulot ng shellfish.

Mabuti na lamang at may ilang rumesponde para tulungan si Gomilao. Gayunpaman, sugat sa leeg, braso, tuhod, likod at mga kamay ang tinamo niya.

Ang malungkot pa rito, P3,000 lang umano ang binigay ng may-ari ng aso na pampagamot.

Dagdag pa rito, nakagat din ng aso ang dalaga dalawang buwan na ang nakakaraan kaya hindi siya binigyan ng turok na anti-rabies.

Kaya naman hustisya ang sigaw ng pamilya ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,