91

Nov 12, 2021 @ 19:29
By

Dalagita sabik sa trabaho ginahasa, pinatay

Katarungan ang sigaw ng pamilya ng isang dalaga na pinatay at hinalay diumano ng lalaking nagpanggap na bibigyan siya ng trabaho.

Kinilala ang biktimang si Catherine Cuison, 19-anyos, sa report ng GMA.

Ayon kay Police Lt. Jeremias Ramos Jr., hepe ng Bautista Police Station sa Pangasinan, umamin ang 21-anyos na hindi pinangalanang suspek sa ginawang krimen na pagpatay at panghahalay sa biktima.

Natagpuan nang naaagnas ng tela ang biktima sa isang bakanteng lote sa Bautista.

Batay sa mga kaanak ng biktima, umalis ng bahay si Cuison matapos makilala sa social media ang isang lalaking nag-alok ng trabaho sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,