15
ABANTE dead agent delivery van
By

Dalagita, patay nang malaglag sa bubungan

Sharing is caring!

Binawian ng buhay ang 16-anyos na dalagita ng aksidente itong mahulog sa bubungan ng isang warehouse, kamakalawa ng tanghali sa Valenzuela City.

Nadala pa sa Valenzuela City Medical Center si Clarise Mae Asis, residente ng No. 6883 Tatalon Street, Barangay Ugong ng nasabing lungsod, pero ideneklarang dead on arrival ni Dra. Karel Diaz Tangara.

Nagtamo ito ng head injuries at labis na pinsala sa katawan dahil sa pagkakabagsak nito sa semento.

Sa imbestigasyon nina P02 Regor Germedia at SPO3 Alexander Manalo ng Station Investigation Unit (SIU), dakong alas 11:45 ng tanghali, naglalaro sa kanilang rooftop ang dalagita kasama ang nakababatang kapatid nitong lalaki.

Gumawi daw sa bubungan ng Top sack Corporation si Clarise at bumaybay pa sa kalagitnaan, hanggang sa mapatapak ito sa marupok bubong ng warehouse at nahulog mula sa 30 piye taas.

Kaagad na sumaklolo ang kayang mga kaanak at isinugod ito sa nabanggit na pagamutan, pero nasawi din ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?