577
rape1
By

Dalagita ni-rape ng sekyu

Sharing is caring!

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang security guard matapos siyang ipagharap ng kasong rape ng mga magulang ng isang dalagita sa Quezon City.

Ang suspek ay nakilalang si Joseph Tomenden, 48-anyos, guwardiya at nakatira sa Area C, Barangay Batasan Hills, ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police Distrct (QCPD) Station 6, sinasabing pinagbabantaan ni Tomenden ang 12 taong gulang na biktima na babarilin ang kanyang mga kaanak kung hindi ito papayag na makipagkita sa kanya.

Kaya naman inireklamo ng pamilya ng biktima si Tomenden sa mga awtoridad at agad na pinuntahan ang bahay ng suspek dakong alas-nuwebe ng umaga kahapon.

Sa loob mismo ng bahay ng guwardiya sa Barangay Batasan ay naaktuhan pa ng pulisya ang suspek habang pinagsasamantalahan ang dalagita.

Kuwento ng dalagita, pilit siyang isinama ng guwardiya sa bahay nito at doon ay pinaghahalikan at hinihimas ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Inamin naman ni Tomenden na hinahalikan niya ang dalagita ngunit itinanggi na ni-rape niya ito o may nangyari sa kanila.

Iginiit din ng guwardiya na apat na buwan na umano silang magkarelasyon ng dalagita. Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa himpilan ng QCPD Station 6 at nahaharap sa kasong rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?