29

By

Dalagita napisak sa trailer truck sa Ermita

Sharing is caring!

Patay ang 16 anyos na dalagita makaraang masagasaan ng trailer truck sa San Marcelino St. tapat ng Paco Park sa Ermita, Manila.

Batay sa Imbestigasyon ng Vehicle Traffic Investigation Section ng Manila Police District, binabagtas ng trailer truck na may plakang TYJ575 na minamaneho ni Rene Gelbert Perez ang kahabaan ng San Marcelino Street at nang halos tumapat na sa Paco park ay aksidente nitong tinamaan at nabundol ang biktima na si Justine Mariflor Sarmiento na naglalakad lamang sa lugar.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na kaagad namang isinugod sa Manila Medical Center pero idineklarang dead-on-arrival.

Batay sa disposisyon sa kaso na pinangasiwaan ni PO2 John Mark Estrada ay reklamong reckless imprudence resulting to homicide ang kahaharapin ng suspek na si Perez na kasalukuyan nang nakakulong sa Manila Police District. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?