75

Dalagita napahiya sa dabarkads nagbigti

Sharing is caring!

Posibleng labis umanong dinamdam ng 17-anyos na dalagita nang pagalitan siya ng kanyang ina sa harap ng mga kainumang kabarkada kaya winakasan nito ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa Quezon City.

Kinilala ni PO3 Jerome Dollente, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Vanessa Abni Sta. Ana, 17-anyos, out-of-school youth at residente ng No. 42 Bakas Compound, Brgy. Bagong Silangan, ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag ni Aling Virginia, dakong alas-dos ng hapon (Sept. 13), ay umakyat siya sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan upang kunin ang mga pinatuyong sinampay.

Subalit nang mapadaan umano siya sa silid ng kanyang anak ay tila nakaramdam siya ng kaba sa dibdib kaya kinatok niya ang pintuan ng kuwarto nito.

Pero halos ilang minuto na umano niyang kinakatok ang pinto ng silid ng anak ay hindi pa rin ito nagbubukas kaya tinawag niya ang asawang si Mang Valentino at puwersahang sinira ang seradura ng pinto.

Nang mabuksan ang pinto ay nagsisigaw habang umiiyak ang mag-asawa nang bumungad sa kanila ang nakabigting anak sa kisame gamit ang kulay dilaw na nylon rope.

Agad nilang tinanggal sa pagkakabigti sa kisame ang anak at dahan-dahang inilatag ang katawan nito sa kanyang kama bago itinawag sa QCPD Batasan Police Station 6.

Nabatid na una dito, ay nakita umano ng kanyang ina ang dalagita na naakikipag-inuman sa mga kabarakada nito, kaya pinagalitan at pinauwi sa kanilang bahay.

Tumanggi nang paimbestigahan ng mga magulang ang pagbibigti ng anak dahil kumbinsido umano silang nagpakamatay ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?