265
rape
By

Dalagita nakipag-eyeball sa nakilalang 15-anyos sa FB, ginahasa

Arestado ang isang 15-anyos na binatilyo matapos nitong gahasain ang 17-anyos na dalagita na naging kaibigan sa Facebook nang sila ay mag-eyeball nitong Biyernes sa Cebu City.

Base sa ulat ng Minglanilla Police Station, nagtungo sa kanilang himpilan ang 17-anyos na dalagitang biktima nitong Sabado ng gabi kasama ang kanyang bayaw upang iulat ang ginawang panggagahasa umano sa kanya ng 15-anyos na binatilyo na kanyang FB friend.

Kuwento ng biktima, naging magkaibigan umano sila ng suspek sa FB noong Nobyembre 13 at dito na nagpatuloy ang kanilang chat hanggang sa magkasundo silang magkita nitong Nobyembre 15.

Napag-alaman pa sa biktima na dinala siya ng suspek sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion Ward II sa bayan ng Minglanilla kung saan umano siya ginahasa nito at ng makaraos na ay saka siya pinauwi.

Sinabi naman ng biktima ang kanyang naging karanasan sa kanyang mga kamag-anak at napagdesisyunan nilang magreklamo sa istasyon ng pulisya kung saan naganap ang panggagahasa.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at dinakip ang suspek sa kanilang bahay na ngayon ay kasalukuyang nakapiit at inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?