9,301

Jul 4, 2020 @ 16:45
By

Dalagita na nagsampa raw ng rape case vs pulis itinumba

Bumandera sa Twitter Philippines ang #JusticeForFabel matapos ratratin hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang dalagita na diumano’y nagsampa ng kasong rape sa dalawang pulis mula sa San Juan, Ilocos Sur.

Ayon sa Cabugao Police Station sa isang ulat, pauwi na ng kanilang bahay ang biktimang si Fabel Pineda at nakaangkas sa kanyang tiyuhin kasama ang isa pang pinsan nang tambangan sila sa Brgy. Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur noong Huwebes dakong alas-6:30 ng gabi.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara siyang patay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan.

Sabi sa Twitter post ni @QueenChromatica, ginahasa diumano si Pineda ng dalawang pulis at nagsampa ng kaso sa isang presinto sa Cabugao.

Kalaunan ay pinatay ang biktima.

“Fabel Pineda was raped by two policemen from San Juan, Ilocos Sur. She filed her case in a police station at the nearby town of Cabugao. She asked for escort to go home from the Cabugao police but they refused. She was gunned down later. Retweet this tweet. #JusticeForFabel.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?